kandila lang ang kasama ([info]pugad_bhoyband) wrote,
@ 2005-01-20 23:11:00
Previous Entry  Add to memories!  Share this!  Next Entry
Current music:Sandwich - Butterfly Carnival

right or left?
paano mo ba masasabi kung ang ginagawa mo ay tama o mali???

parang naisip ko lang na kaya lang naman natin naiisip o nasasabi na mali yung ginagawa natin ay dahil ito yung mga bagay na simula pagkabata ay sinabi na sa atin na mali...

papano kung walang nagturo sa atin kung ano ang tama at mali?

magkakaroon pa ba ng konsepto ng tama at mali?

at isa pa, kaya siguro natin natitimbang kung ano ang tama at mali ay dahil ito ang itinuro sa atin ng ating mga relihiyon...

papano kapag wala ring relihiyon sa nagturo sa atin ng tama at mali?

naisip ko lang na halimbawang namatay ka, anong mangyayari sayo?

habang buhay ka nalang bang mapupunta sa karimlan
isang walang hanggang kadiliman...

babalik ka lang ba dito sa lupa
at buburahin lamang ang iyong mga alaala...

mapapadpad ka ba sa paraiso
o mabubulok na lamang sa impyerno...

ang gulo... kapag namatay ka ba, titimbangin kung anong klase ng buhay ang isinulong mo, kung tama ba o maling buhay? eh papano nga indi mo alam kung ano talaga ang siyang tama at mali...

papano kapag buong buhay mo akala mo yung ginagawa mo yung tama pero pagdating sa dulo malalaman mo nalang na lahat pala ng ginawa ay mali?

ang daming tanong... pero walang sagot... walang sagot...

habang buhay lang ba tayong mag-aantay? mag-aantay ng sagot?

hahaha! cge, goodluck!




(3 comments) - (Post a new comment)


[info]hari_ng_sablay
2005-01-20 01:46 pm UTC (link)
hmm. siguro napansin mo na yung mga tinuro sayo ng bata ka eh yung iba don nalaman mong mali pagtanda mo. hehe. pero pwede pa ding factor. tas yung sa religion, oo pwede din kung debotong relihiyoso ka.

(Reply to this)


[info]warmbeerrules
2005-01-20 02:01 pm UTC (link)
We are all just products of the social construct we have been placed in. As for the death thing, I think we wont really know unless someone or something who's been through it comes back and tells us... Scary yun.

(Reply to this)


[info]mangkaynd
2005-01-21 09:52 pm UTC (link)
symposium bukas. pagusapan natin to. ulit.

(Reply to this)


(3 comments) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Log in with OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…